Saturday, September 12, 2009
Suing For Nothing ( How NOT To Be A Manager)
sanay na has left a new comment on your post " Group EB venue - Jollibee 5F megamall date - Sep...":
(transferred here)
Hi Banker, it's me again. Gusto ko lang kayo i-update sa nangyari sa case ko. Alam kong madami ditong interesado sa mga na-filean na ng case. My case with xxx bank just got dismissed.
To all na curious about my case, yung final amt. ko sa billing when I stopped paying (i lost my job) was below P100k pa. For several months tiniis ko ang paniningil ni xxx bank collector, it dragged on for almost a year din, finally, they decided to file a case against me. By that time mga P180k na ang statement ko due to interest/penalty charges and non-payment/deadma for months.
Siguro dahil nakikipag-usap ako sa kanila (i kept insisting they send me SOA, pero puro ballooning billing statements lang ang pinapadala), umaasa sila na somehow e they will squeeze out something from me. Sabi siguro.."ahh..may mapipiga pa kami dito".
Actually yung demand letters nila prior to filing of case, iba-iba ang amounts, may 180k, 195k, 220k. So dun pa lang, malabo na kung magkano ang sinisingil nila sa akin.
Anyway, dumating na nga na nag file ng actual case. HINDI NAMAN NAKAKATAKOT ANG MAKUSAHAN KA, kasi civil case lang naman for sum of money (walang kulong!). Attend-attend lang ako w/ my lawyer-friend. Bottom-line, paghaharapin lang kayo ng judge at magha-haggle sa amount involved at ano kayang bayaran. Parang palenke ba, kada hearing e tawaran.
Anyway, it came to a point na di kami mag agree sa amount. Nagbigay ako ng amt na kaya kong bayaran in 1 year. Aba e tinanggihan pa ni xxx bank! Tanga talaga! At this point I can feel naha-hassle na siguro sa pag attend ng hearings at madaming madami silang inaattend-an na hearings daily, isipin nyo yun nakaka-stress yun! So after almost a year of haggling, wala pa ring compromise. Napagod na ata, hindi nakapag-attend ng ilang hearings, so ayun....na dismiss ang case.
So yun lang. Payo ko sa lahat lahat ng bloggers dito na ang biggest fear is makasuhan/ makulong: WAG KAYONG MATAKOT. Face your foes and assert your rights, uphold your dignity (hindi nakakahiya ang malubog sa utang).
Kung gusto nyo na magbayad, have them drag you to court, you'll get a better deal. Pag sinwerte pa kayo, hindi na kayo pagbabayarin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment