Wednesday, September 1, 2010

La Lang



Anak, Hiling Ko Sa Aking Pagtanda
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit
Natatandaan mo anak noong bata ka pa?
Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Kapag may konti kang panahon,
magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang.
Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa.
Walang kausap.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit
pagtyagaan mo sana akong alagaan
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

At huwag kang mag-alala,
kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ...
dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

No comments:

Post a Comment