Sunday, June 8, 2008
Caveat !
When we are afraid, in love, too trusting or overwhelmed by problems, our brain shuts down our logical reasoning.So, take heed of those emotions.
2 wks ago I received a call from a J&T forwarding services, ang sabi may package daw ako from USA, sabi ko wala akong kilalang Tony Gao na magpapadala sa akin.Idedeliver lang daw the ff. wk yung package. Kinuha pa nila yung cell no.ko.
Then after a week nakareceived ako ng text msg na "1st last summon letter@XXX, plaintiff vs civil case no. XXXor?(preliminary attachment proptery) w/in 24 hrs @judge Manolo Francisco of RTC 32 subpoena will be served by sheriff escobar/spo2 ortis for violation of RA8484 FRAUDULENT ACT OF 199/CRIMINAL CASE ART 315 D RVSD PENAL CODE YOU ARE BEING SUMMONED TO APPEAR IN COURT FOR PRELIMINARY HEARING PLS CALL 02-xxx TO COORDINATE AND LOOK FOR RENE TIANGCO.
Na-shock ako kasi di ko alam na may case pala ako. Nagreply ako sabi ko wala akong alam tungkol sa case na ito. Sabi nung nagtext from RTC daw sya at tawagan ko daw si Rene Tiango ASAP. Di ko tinawagan yung binigay nyang no. nung May 19 ko nareceive yung txt.
Then ngayon May 29, may nareceive na call yung office mate ko from Police station daw SPO3 Gonzales at may complainant daw sa akin dun sa station at kailangan kong pumunta or tawagan ko sa cell yung babae. Ang ginawa nung office mate ko tinawagan nya yung binigay na no. at kinausap kung anong problm kasi wala pa nga ako sa office lunch brake kasi. Ang sabi daw nung babae kasi may case daw ako na fraudulent act akong ginawa at pati daw sa company namin. di naman sinabi anong klase yun.Sabi lang tawagan ko yung boss nya or sya para malaman ko. So, Syempre kinabahan ako bakit may police ng tumatwag.
Tinawagan ko yung no. at hinanap ko yung boss. Nung nakausap ko sabi ko wala akong narereceive na demand letter or subpoena man lang about the case. Sabi nya di daw ako nagbayad ng bankard ko mga 200,000 thousand pesos ngayon umaabot na sa 600,000. pesos. Nagulat talaga ako sabi ko matagal na yung bankard credit card ko siguro ten years ago na yun at ang natatandaan ko lang mga 10k lang yung di ko na settle at na di ako siningil.kaya akala ko wala na. yung di ko nabayaran pero di naman aabot sa ganung halaga. tsaka di naman ako lumipat ng bahay at nagresign from work nung mga panahon na yun.
Tapos tinanong nya kung may check ako at bayaran ko lang daw yung amt. Ano? sabi ko simpleng employee lang ako at wala akong ganung halaga. Basta sabi nya puntahan ko daw yung secretary nya dun sa police station para malaman ko yung complaint.Kung di ako pupunta ipapahold nya ako sa police at pupuntahan ako sa office.
ang ginawa ko pinatawagan ko sa Atty. namin yung nakausap kong lalaki na di naman pala atty. at ang sinabi lang naexplain na daw sa akin kung ano yun. Nung nakausap ko yung atty. namin puede akong di pumunta dunm pero para daw malaman ko talaga kung anong klaseng kaso yun punthan ko pero magpasama ako sa kapatid ko.
Kaya pumunta ako sa police station at nagtanong kung meron bang nagfile ng complaint sa akin, wala naman daw, sabi baka sa ibang police station kaya tumawag pa sa radio yung police kung meron sa ibang station pero negative naman.
Labels:
Panloloko
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment